Monday, January 10, 2011

Mechanical Engineering Week


(Note: This article was published in the October 28, 2010 issue of the People’s Journal)

Noong Septiyembre 1998 ay idineklara ng dating pangulong Presidente Cory C. Aquino, sa pamamagitan ng kanyang Proclamation No. 319 ang ikatlong linggo ng Oktubre bilang LINGGO NG INHINIYERO MEKANIKAL o Mechanical Engineering Week. Ito ay bilang pagtanaw at pagpugay sa kontribusyon ng propesyong Inhiniyeriya Mekanikal sa pagpapaunlad ng bansa at upang ipokus sa sambayanan ang mahalagang papel na ginagampanan dito ng mga inhiniyero mekanikal.
Ngayong taong ito, ang LINGGO NG INHINIYERO MEKANIKAL ay ipagdiriwang buhat ika-11 hanggang ika-15 ng Oktubre. Sa linggong ito, ang ibat-ibang mga sangay o chapter ng Philippine Society of Mechanical Engineers (PSME) na naka-kalat sa ibat-ibang bahagi ng bansa at Gitnang Silangan, at pinamumunuan ni Inhiniyero Renato A. Florencio bilang Pambansang Pangulo o National President, ay magsasagawa ng kani-kaniyang mga pagdiriwang kagaya ng pagdalo sa flag raising ceremony sa kani-kanilang mga pamahalaaang-bayan o mga pamahalaang-lungsod. Makikipag-ugnayan din sila sa kani-kanilang mga punong-bayan upang talakayin ang tungkol sa mahigpit na pagpapatupad ng R.A. 8495, o ang Philippine Mechanical Engineering Act of 1998.
Bukod dito, ang PSME ay magsasagawa ng kanilang ika-58ng Annual National Convention na gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC) magbuhat ika-13 hanggang ika-16 ng Oktubre, at ito ang siyang magiging sentro ng kanilang selebrasiyon ng LINGGO NG INHINYERIA MEKANIKAL. Inanasahang ito ay dadaluhan ng buhat 1,500 hanggang 2,000 delegadong inhiniyero mekanikal na manggagaling sa animnaput-walong sangay ng samahan na nakatalaga dito sa bansa at Gitnang Silangan.
Sa pamamagitan ng kombensiyon na ito ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga delegadong sariwain at patatagin ang kanilang pakikipagkaibigan sa mga dating kaiskwela, mga dating katrabaho, at mga matagal ng di nakakaugnayang mga kaibigan. Magkakaroon din sila ng pagkakataong makakilala (at makilala) ng iba pang mga kasamahan sa propesyon na maaaring maging sanhi ng pagpapalawak ng kanilang network na siyang maaaring pag-usbungan ng mga magagandang pagkakataong may kaugnayan sa trabaho o negosyo.
Ang paglahok sa kumbensiyon ay pagkakataon din upang ang inhinyeriyo mekanikal ay ma-update sa kung anu-ano ang mga kaganapan tungkol sa kanyang samahang kinabibilangan, at tungkol sa kanyang propesyon. Pagkakataon pa rin, na sa pamamagitan ng mga teknikal na seminar na nakapaloob sa kumbensiyon, ay malaman o matutuhan ang mga ibat-ibang bagong teknolohiya o di kaya’y mga dagdag kaalamang di lamang makakapagpaunlad at makakapag-palakas sa propesyon kundi maaari ding makatulong sa ikatatagumpay ng lumahok sa trabaho o negosyo. Bukod dito, isa pang mahalagang benepisyo ay ang Continuing Professional Education (CPE) credits na maaaring matanggap ng mga lalahok sa kumbensiyon. Ipinapatupad na, simula ngayong taong ito, ang pagkakaroon ng CPE credits upang mai-renew ang mga lisensiya ng inhiniyerong mekanikal.
Ang Pambansang Pamunuan ng PSME ngayon ay binubuo nang mga sumusunod: National President Eng’r. Renato A. Florencio, EVP Eng’r. Ramon A. Picornell, VP Internal Eng’r Antonio P. Tompar, VP External & PRO Eng’r. Jaime T. Lopez III, VP Technical Eng’r. Reynaldo P. Uy, VP Treasurer Eng’r. Cipriano A. Marcelo, VP NCR Eng’r. Lorenzo P. Larion, VP Luzon Eng’r. George S. Yorobe, VP Visayas Eng’r. Ely P. Bagtasus, VP Mindanao Eng’r. Rudy J. Sultan, VP International Eng’r. Murry Dendam, Secretary Eng’r. Joel M. Aviso, Asst Secretary Eng’r. Joseph F. David, Director Eng’r. Robert S. Dy, Director Eng’r. Wilhelm J. Tan, Asst to the President Eng’r. Liberato S. Virata at Government Liason Officer Eng’r. Virgilio A. Arfapo.
Ang Tanggapan ng Samahan ay nasa Room 401, Don Lorenzo Building, 899 P. Paredes St., Sampaloc, Manila at pwedeng makipagugnayan ditto sa pamamagitan ng mga sumusunod: Landline 736-20-43; Telefax 493-42-68; Cell # 0917 868-17-00; email psme_national@yahoo.com ; at website  http://psmenow.org/.
Layunin ng tagasulat na ito na sa mga susunod na lathalain ay ipaliwanag sa madla, lalong-lalo na sa mga may gawaing may kinalaman sa, o saklaw ng, inhinyieriya mekanikal (i.e., mangangalakal, pamunuan, manggagawa) ang tungkol di lamang sa mga mahahalagang papel na magagampanan ng mga inhinyero mekanikal sa pagpapaunlad ng negosyo at bansa, kundi pati mga bagay-bagay na may kinalaman tungkol sa kalidad, productivity, teknolohiya, atbp.

No comments:

Post a Comment